Linggo, Mayo 31, 2020

Pre-GCQ Rant

“Na-trauma na ako nung nabundol ako ng tricycle tol. Ayoko ng motor. Kahit bike nga, ayoko na rin. Hindi ko makalimutan yung pakiramdam na tinahi yung anit ko (balat sa bungo), kahit nakahiga at nakapikit na ako nun, nasusuka pa rin ako. Yung nabaling buto ko, parang hindi nabalik sa dati. Tumutunog na kapag nag-uunat ako. May ‘bukol’ na yung buto, masakit kapag naiipit. Na-trauma ako kasi kahit minsan maingat tayo, may mga gagong motorista na humahawak ng manibela. Marahil lesson yun sa akin, pero ayoko na ng motor.”
My orthopaedic surgeon even maximized my health card at that time. But I just hate it now when people tell me to “buy a motorcycle or bike.”
Hindi lahat ng applicable sa iyo ay applicable sa akin. Iba-iba tayo. Ganun lang yun.

Sabado, Mayo 9, 2020

Hindi Ko Ipipilit

Parang nangyari na ‘to. Sa maraming paraan, totoo nga.

Nabago na ang pananaw ko at nasa sa buhay sa loob ng nakaraang sampung taon. Yung hangarin pa rin ang kaligayahan at kabutihan ng isang taong patuloy na bumibigo sa akin… masaya ako na natutunan ko yun. Bakit nga ba kasi ang kulit ko? HAHAHA!!! :-D Pero maganda pa rin ‘di ba? Kahit na pinagkamalian ko na nga ng maraming beses, hindi pa rin naman siguro nasayang yung sampung taon.

Huwag ka nang mag-alala… hindi na ako lalapit uli sa ‘yo sa anomang paraan. Kung sa maliit na bagay nga lang, hindi na kita malapitan,eh. Pasensya na talaga ha. At least makakamit mo na ang katahimikang inaasam mo. Yung “blocked” ako sa ‘yo, okey yan, ituloy mo yan. Pabor yan sa ating dalawa. Napatunayan ko na kasi— na umiiwas ka na talaga sa akin. Ang hirap kasi kapag mag-message pa ako sa ‘yo ng direkta, iba na talaga ang dating mo ngayon,eh. Kaya naglalabas na lang ako dito ng saloobin. At saka baka lalo ka pang mabuwiset sa akin! HAHAHA!!! :-D Palaban ka na masyado. Baka mainis pa ako. Parang nung nagkasagutan tayo last year sa fb messenger. Pati yung pananalita mo sa chat group sa dati nating kasamang presidente. Masyado kang maraming sinasabi. Sorry talaga. Pero mabuti pa ring nagpakumbaba ka nung huli. Isang ugali mo na hinahangaan ko hanggang ngayon. Ang payo ko sa ‘yo— hinay-hinay sa katarayan at kasungitan. Pare-pareho lang tayong nagtitiis.

Sa tingin ko, medyo malinaw naman ang pag-iisip ko sa panahong sinusulat ko ito… kahit na hindi ka maniwala sa akin, hindi ako galit sa ‘yo.

Humihingi uli ako ng tawad… sa lahat-lahat.