Linggo, Enero 10, 2021

"Park"

Nasilaw ako sa sinag ng araw.
Nakaupo tayo sa isang bench sa isang park. Maliwanag at maaliwalas, pero walang katao-tao… para bang tayong dalawa lang ang nakakaalam ng lugar na iyon. Matagal tayong tahimik.
Sa hindi malamang dahilan, bigla kong sinabi: “Ikinahihiya mo ba ako?”
Hindi ka umimik. Bigla ka na lang umiyak sa balikat ko at niyakap ako ng mahigpit. Napaluha rin ako.
Dala-dala ko ang “pangungulila” hanggang sa paggising ko… isang walang kabuluhang panaginip, pero ang lalim ng lungkot.
Sana maligaya ka sa mga oras na ito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento