Biyernes, Disyembre 28, 2018

Ebe Dancel - "Paalam Kahapon" official music video

Katulad ng panahon sa labas ng aking silid-opisina sa mga oras na ito, muling pumapatak ang ulan sa isang sulok ng aking buhay. Wala man akong pinagpapaalaman, bahagyang umaasa sa posibleng bagong pagbati. Hindi rin nagsasara ng pinto, magbubukas lamang ng mga iba pa...

Napakaganda talaga ng kantang ito. Ebe Dancel, isa kang henyo ng musikang Pilipino!


(Hindi ko pag-aari ang video)



“PAALAM KAHAPON” ni Ebe Dancel

Paalam na kahapon, kay layo na pala ng noon
Di ko inakalang
Darating ang umagang
Ito…

Parang kanina lamang
Nung tayo ay mga bata
Walang kinatatakutan
Sa bukas ay walang pakialam…

Iwanan man kita, nakaukit ka na sa puso ko
Malilimot ba kita?
Nakaukit ka na sa puso ko
Oooohhhh-oooohhhh….


Paalam na kahapon, kailangan na ako ng ngayon
Alaala mo’y ikakahon
Ngunit kailanma’y hindi kayang
Itapon…


Ooohhh, tila utos ng mundong mabuhay akong pasulong
At huwag paurong
Patawarin mo ako kung
Unti-unti akong binago ng mundo… oooohhhh…
Ng mundo… oooohhhh…

Iwanan man kita, nakaukit ka na sa puso ko
Malilimot ba kita kung
Nakaukit ka na…?
Iwanan man kita, nakaukit ka na sa puso ko
Malilimot ba kita kung
Nakaukit ka na sa puso ko?

Ooohhh-ooohhh…..
(Nakaukit ka na…)
Oooohhhh-oooohhhh…..
(Nakaukit ka na…)

Sa puso ko….

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento