Huwebes, Abril 4, 2019

ANG MABISA AT GARANTISADONG PANG-ALIS NG "DEPRESSION"

Hindi man karapat-dapat ang blogsite ko para sa video na ito, nais ko lamang sana ibahagi. Masakit lang talaga ang kalooban ko sa mga nakalipas na araw, naghahalong mga damdamin sa isang bagay na may kutob akong mabibigo rin naman. Marami na akong pinalagpas na pagkakataon dahil sa bagay na iyon, wala rin palang mangyayari sa bandang huli. Siguro nga'y kasalanan ko talaga ang lahat. Pinagsisisihan ko na, ganoon lang talaga ang buhay.


(HINDI KO PAG-AARI ANG VIDEO)

Nakatulong na rin naman sa akin ng ilang beses ang mensahe nito kaya ko binabalik-balikan. Kung mayroon mang napadpad dito sa blogsite kong ito, sana kahit paano makatulong rin sa inyo (KUNG SAKALING APLIKABLE MAN).

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento