Napanaginipan na naman kita.
High school daw uli kami ng mga close
friends natin. Nakakatawa kasi yung isang kaibigan natin, professor din na
English-speaking pa. Pikon na pikon sa aming tatlo na “iskul bukol”. HAHAHA!!!
Ikaw, batang professor ka daw namin. ‘Fresh
passer’ sa licensure daw. Ang ganda mo. At ang cute pa, kasi naka-maong jumper
ka with white shoes. May exam kang ibinigay kaya pagdating mo, nanahimik na kaming
lahat para sa test; tapos ikaw, umupo ka sa teacher’s desk at nagbasa ng libro.
Una akong natapos sa exam. Lumapit ako
sa ‘yo tapos binigay yung papel habang sinasabing, “Mahal na mahal kita…”
Tapos naalimpungatan na ako. Bitin na bitin, hindi ko na alam kung ano ang
nangyari. Nakakainis. Sana maulit o matuloy. HAHAHA…
___
Bigla kong naalala yung teacher ko nung
Grade 1 na crush na crush ko. Naalala ko rin yung time na pumunta tayo sa mall galing
sa Alpha. Sinabi ko pa na kamukha mo si Miss Tapia ng Iskul Bukol nung pinost
na sa social media. Sinagot mo ako ng: “At least sumaya ka.” Hehehe… Hayz.
Sa ganito ko na lang ilalahad (uli):
Gasgas na mga kataga
Sa ibang paraan, sasabihin ko pa rin,
kahit bitin:
Sana’y maging mas maligaya ka
Nandito lang ako palagi, at muli pa...
💗😊