Lunes, Disyembre 14, 2020

Ben&Ben - Sa Susunod Na Habang Buhay | Official Music Video | Kathniel

"Sino yung nasa panaginip mo?"

"...ikaw."


Nakakaiyak talaga ang lyrics nito. 


May nanunukso uli sa akin ngayon (iba pa kaysa nakaraan), pero mabuti na lang pisikal lang ang pang-aakit nya. Isa pang babaeng bumabalik mula sa nakalipas... Salamat sa Dios, hindi ko na siya masyadong gusto.

Ikaw pa rin ang naiisip ko kahit parang hindi na puwede, nasasaktan ako kahit na wala akong karapatan. Sana lubos ka nang masaya ngayon. Sana huwag kang gamitin lang at lokohin ng katipan mo.


Ikaw pa rin naman ang pipiliin ko kung may pagkakataon, pero inaamin kong hindi ko rin alam kung hanggang kailan ko kayang mapanatiling ganito. Hindi na rin naman siguro mahalaga yun. Nandito lang ako, kung sakaling kailangan mo.
Ingatan at samahan ka nawa palagi... mahal kita.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento