Minsan talaga gusto kong huwag nang magising,eh. Pero gusto ko lang naman yun. Karamihan naman ng gusto ko sa buhay, hindi na nangyari. Salamat pa rin sa Dios.
Tinatamad na talaga ako... ayoko na. Nakaka-demoralize.
Sometimes, it's just hard to ignore the people ignoring us on purpose. At work and in our personal lives.
Naalala ko dati sinabi ni Ingkong na "Baka kaya pinagpahinga na siya ay para iiwas siya sa mga bagay na darating, na baka magpahirap lang lalo sa kanya at hindi na siya makapagtiis" (NOT VERBATIM). Ang sarap naman nun, ang galing talaga. Ito ang pag-asa natin.
Naiisip ko minsan na sana huwag nang humantong pa sa ganun, na dumating pa sa puntong magdilim na ang paningin ko. Huwag nawang mangyari. Sana mamatay na lang ako bago pa mangyari yun. May awa ang Dios...
Nararamdaman ko minsan bago ako matulog, na parang ako na lang talaga mag-isa sa buhay, kahit pa may mga tao pa sa paligid ko. Basta. Panalangin na lang talaga... Awa't tulong nandito pa naman. Sana paggising ko bukas (kung magigising pa) mawala na ang dapat mawala. Drama.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento